Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Phone scam sa mga pamilya ng OFW  (Read 147 times)
iAN
Full Member
***

Hanep Points 13
Posts: 116



« on: August 15, 2011, 04:50:16 PM »

"Hello?"

"Hello--"

"Hello, sino po sila?"

"Eto po si Ambassador So-and-so from <country>. Yung anak/asawa/kapatid/uncle nadisgrasya/nakapatay/namatay/nag-aagaw buhay. Magpadala kayo ng pera para ma-save siya. Wag sabihin ito sa iba para hindi maging komplikado. Magpadala na ngayon ng pera sa Western Union."

"... " (Tulala)


Familiar ba? Nakatanggp na ba ng ganitong klaseng tawag ang isang kakilala/kapatid/kapamilya/kapuso/kakosa. Dahil nabigla at disoriented ang nakatanggap ng tawag, di na alam kung ano ang gagawin, and they lose common sense and logic. Marami na ang naging biktima sa modus operandi na ito.

Mga apat na sa mga relatives ko ang may nagtangkang biktimahin sila (isa ang actually nagpadala, yung tatlo buti na lang hindi natuloy).

Please inform your loved ones back home that if they get calls that are suspicious, kahit nakakabigla or nakakatakot, let them be in control. Ang style ng mga tumatawag ay parati kang mamadaliin or tatakutin na mamamatay na ang mahal nila sa buhay na nasa ibang bansa at sila (ang tumatawag) lang ang makaka-save sa kanya. As for my family, I told them that if may masamang mangyari sa akin, ang company/insurance ko na ang bahala sa akin and no one will call them for money. Or they can call my direct line na di ko isinusulat sa anumang public forms.

Baka may nag leak ng mga contact information ng mga OFW... yung mga forms na kino-complete ng karamihan sa POEA, OWWA, etc.--yung person to contact in case of emergency--kasi when we talked about their (my relatives) experience, ang common denominator is yung nakatanggap ng tawag ay siya yung nasa "person to contact in case of emergency".
Logged
danny
Jr. Member
**

Hanep Points 9
Posts: 84



« Reply #1 on: August 16, 2011, 01:28:10 AM »

.


gobyerno pa rin (ng pilipinas) may kasalanan nyan...
Logged
iAN
Full Member
***

Hanep Points 13
Posts: 116



« Reply #2 on: August 16, 2011, 02:22:42 PM »

Di naman siguro... Hehehehehe...
Logged
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to: